Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Cronica 16:10-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Dapat kayong magalak, sapagkat kayo'y kanyang bayan,ang lahat ng sumasamba sa kanya ay magdiwang.

11. Lumapit kayo kay Yahweh upang tulong niya'y hingin,sa tuwina'y parangalan siya at sambahin.

12. Inyong alalahanin ang mga kamangha-mangha niyang gawa,ang matuwid na paghatol at gawang kahanga-hanga.

13. Mga supling ni Abraham na kanyang lingkod,ang mga hinirang niya na mga anak ni Jacob.

14. Si Yahweh ang ating Diyos,nasa buong mundo ang kanyang mga utos.

15. Tipan niyang walang hangga'y hindi niya lilimutin,kahit libong salinlahi ito'y kanyang tutuparin.

16. Ang ginawa niyang tipan kay Abraham,pinagtibay kay Isaac ang pangakong sinumpaan.

17. Kay Jacob ibinigay, pinagtibay na kautusan,walang hanggang tipan sa Israel, ito ang nilalaman:

18. “Ang lupain ng Canaan sa iyo nakalaan.Ito'y isang pamana ko sa iyo at sa iyong angkan.”

19. Nang sila ay kakaunti pa at walang halaga,nangibang-bayan sila't sa Canaan nakitira.

20. Sa maraming bansa sila'y natatagpuan,nagpalipat-lipat sa iba't ibang kaharian.

21. Di hinayaan ng Diyos sila'y alipinin,mga hari'y binalaang huwag silang aapihin.

22. Sabi niya, “Huwag sasaktan ang bayan kong hinirang,ang mga propeta ko ay iyong igalang.”

23. Umawit ka kay Yahweh, buong sanlibutan,ipahayag araw-araw, bigay niyang kaligtasan.

24. Ipahayag sa mga bansa kanyang kaluwalhatian.Sabihin sa mga tao gawa niyang makapangyarihan.

25. Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan,siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan.

26. Ang diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan lamang,ngunit si Yahweh ang lumikha ng buong kalangitan.

27. Kanya ang kaluwalhatian at karangalan,lakas at kagalakan nasa kanyang tahanan.