Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Cronica 15:8-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. sa angkan ni Elizafan, si Semaias at ang 200 mga kamag-anak na kanyang pinamumunuan;

9. sa angkan ni Hebron, si Eliel at ang walumpung kamag-anak niya;

10. at sa angkan ni Uziel, si Aminadab at ang pinamumunuan niyang 112 mga kamag-anak.

11. Ipinatawag ni David ang mga paring sina Zadok at Abiatar, at ang mga Levitang sina Uriel, Asaias, Joel, Semaias, Eliel, at Aminadab.

12. Sinabi niya sa kanila, “Kayo ang mga pinuno ng angkan ng mga Levita. Linisin ninyo ang inyong sarili pati ang inyong mga kapatid at dalhin ninyo ang Kaban ng Tipan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel sa lugar na inihanda ko para dito.

13. Dahil hindi namin kayo kasama nang unang buhatin ito, nagalit ang Diyos nating si Yahweh sapagkat hindi namin ginawa ang ayon sa ipinag-uutos niya.”