Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Cronica 12:4-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. si Ismaias, na taga-Gibeon, isa sa mga pinuno ng Tatlumpu; sina Jeremias, Jahaziel, Johanan at Jozabad na mga taga-Gedera;

5. sina Eluzai, Jerimot, Bealias, Semarias at Sefatias na taga-Haruf;

6. sina Elkana, Isaias, Azarel, Joezer at Jasobeam na buhat sa angkan ni Korah;

7. sina Jocla at Zebadias na mga anak ni Jeroham na taga-Gedor.

8. Sa lipi ni Gad, ang sumama kay David ay mga mahusay na mandirigma at sanay sa paggamit ng sibat at kalasag, mababagsik na parang leon at kung kumilos ay simbilis ng mga usa sa bundok.

9. Ang pinakapinuno nila ay si Eser at ang iba pa ayon sa pagkakasunud-sunod ay sina Obadias, Eliab,

10. Mismana, Jeremias,

11. Atai, Eliel,

12. Johanan, Elzabad,

13. Jeremias at Macbanai.

14. Ang mga ito'y mga opisyal ng hukbo na ang pinakamaliit na pinapamahalaan ay hindi bababâ sa isang daan at ang pinakamalaki ay isang libo.

15. Sila ang tumawid sa Ilog Jordan nang unang buwan na ito'y umaapaw at naging dahilan nang paglikas ng mga taong naninirahan sa silangan at kanluran ng kapatagan doon.

16. May iba pang mga tauhan mula sa mga lipi nina Benjamin at Juda na sumama na rin kay David.

17. Ang mga ito'y sinalubong ni David na nagsasabing, “Kung naparito kayo bilang mga kaibigan, tatanggapin ko kayo. Ngunit kung mga kaaway, kahit wala pa akong nagagawang karahasan, hatulan nawa kayo ng Diyos ng aming mga ninuno.”

18. Noon din si Amasai na pinuno ng Tatlumpu ay kinasihan ng Espiritu ng Diyos at nagsabi:“Kami'y sa iyo, O David, kami'y kakampi mo, anak ni Jesse!Kapayapaan nawa'y sumaiyo at sa mga kapanalig mo!Sapagkat Diyos ang iyong katulong.”Malugod silang tinanggap ni David at ginawa silang mga pinuno sa kanyang hukbo.