Magandang Balita Biblia Revisi

1 Mga Cronica 1:31-46 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

31. Jetur, Nafis at Kedema.

32. Ito ang mga anak ni Abraham sa kanyang asawang-lingkod na si Ketura: sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Sua. Ang mga anak ni Jocsan ay sina Sheba at Dedan.

33. Mga anak ni Midian sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa.

34. Ang anak ni Abraham na si Isaac ay may dalawang anak: sina Esau at Jacob.

35. Ang mga anak ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeus, Jalam at Korah.

36. Ang mga anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefi, Gatam, Kenaz, Timna at Amalek.

37. Ang kay Reuel naman ay sina Nahat, Zera, Sammah at Miza.

38. Ang mga anak ni Seir ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dison, Eser at Disan.

39. Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Homam; si Timna ang kapatid na babae ni Lotan.

40. Mga anak ni Sobal sina Alian, Manahat, Ebal, Sefi at Onam. Ang mga anak ni Zibeon ay sina Aias at Ana.

41. Anak ni Ana si Dison. Si Dison naman ang ama ng magkakapatid na Hamram, Esban, Itran at Keran.

42. Mga anak ni Eser sina Bilhan, Zaavan at Jaacan. Ang kay Disan naman ay sina Hus at Aran.

43. Ito ang mga naghari sa lupain ng Edom bago nagkaroon ng hari ang mga Israelita: si Bela na anak ni Beor at ang kanyang lunsod ay Dinhaba.

44. Pagkamatay niya, siya'y pinalitan ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra.

45. Nang mamatay si Jobab, si Husam na isang Temaneo ang pumalit sa kanya.

46. Namatay si Husam at ang pumalit sa kanya ay isang taga-Avit, si Hadad na anak ni Bedad. Siya ang tumalo kay Midian sa lupain ng Moab.