19. Ang paglipad ng agila sa kalangitan,ang paggapang ng ahas sa ibabaw ng batuhan,ang paglalayag ng barko sa karagatan,at ang babae't lalaking nagmamahalan.
20. Ganito naman ang ginagawa ng asawang nagtataksil: makikipagtalik, pagkatapos ay magbibihis saka sasabihing wala siyang ginagawang masama.
21. May apat na bagay na yayanig sa daigdig:
22. Ang aliping naging hari,ang isang mangmang na sagana sa pagkain,
23. ang babaing masungit na nagkaasawa,at ang isang aliping babaing pumalit sa kanyang amo.