22. Sinabi ni Yahweh kay Moises,
23. “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ang mga salitang ito ang bibigkasin nila sa pagbabasbas nila sa mga Israelita:
24. Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh;
25. kahabagan ka nawaatsubaybayan ni Yahweh;
26. lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh.
27. “Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbabasbas sa mga Israelita at tiyak ngang pagpapalain ko sila.”