Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 75 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Diyos ang Siyang Huhusga

Isang Awit na katha ni Asaf upang awitin ng Punong Mang-aawit.

1. Salamat, O Diyos, maraming salamat,sa iyong pangalan kami'y tumatawag,upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

2. Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon,walang pagtatanging ako ay hahatol.

3. Itong mundong ito'y kahit na mayanig,maubos ang tao dito sa daigdig,ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah)

4. “Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat.

5. Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.”

6. Hindi sa silangan, hindi sa kanluran,hindi rin sa timog o sa hilaga man magmumula, hatol na inaasahan.

7. Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol,sa mapapahamak o sa magtatagumpay.

8. Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak,sariwa't matapang yaong lamang alak;ipauubaya niyang ito'y tunggainng taong masama, hanggang sa ubusin.

9. Subalit ako ay laging magagalak;ang Diyos ni Jacob, aking itataas.

10. Lakas ng masama'y papatiding lahat,sa mga matuwid nama'y itataas!