Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 67 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Awit ng Pagpapasalamat

Isang Awit na kinatha upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng mga instrumentong may kuwerdas.

1. O Diyos, pagpalain kami't kahabagan,kami Panginoo'y iyong kaawaan, (Selah)

2. upang sa daigdig mabatid ng lahatang iyong kalooban at ang pagliligtas.

3. Purihin ka nawa ng lahat ng tao,purihin ka nila sa lahat ng dako.

4. Nawa'y purihin ka ng mga nilikha,pagkat matuwid kang humatol sa madla;ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa. (Selah)

5. Purihin ka nawa ng lahat ng tao,purihin ka nila sa lahat ng dako.

6. Nag-aning mabuti ang mga lupain,pinagpala kami ni Yahweh, Diyos namin!

7. Magpatuloy nawa iyong pagpapalaupang igalang ka ng lahat ng bansa.