Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 53 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Ang Kasamaan ng Tao (Awit 14)

Isang Maskil ni David, upang awitin ng Punong Mang-aawit; sa saliw ng Mahalath.

1. Sinabi ng hangalsa kanyang sarili, “Wala namang Diyos!”Wala nang matuwidlahat nang gawain nila'y pawang buktot.

2. Magmula sa langitang Diyos nagmamasid sa kanyang nilalang,kung mayro'ng marunongat tapat sa kanya na nananambahan.

3. Ngunit kahit isani isang mabuti ay walang nakita,lahat ay lumayoat naging masama, lahat sa kanila.

4. Ang tanong ng Diyos“Sila ba'y mangmang at walang kaalaman?Ayaw manalangin,kaya't bayan ko'y pinagnanakawan.”

5. Subalit daratingang di pa nadaranas nilang pagkatakot,pagkat ang kalansayng mga kaaway, ikakalat ng Diyos,sila'y itatakwil,magagapi sila nang lubos na lubos.

6. Ang aking dalangi'ydumating sa Israel ang iyong pagliligtasna mula sa Zion!Kung ang bayan ng Diyos ay muling umunlad,ang angkan ni Jacob,bayan ng Israel, lubos na magagalak!