Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 52 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Ang Hatol at Habag ng Diyos

Maskil ni David, upang awitin ng Punong Mang-aawit, nang si Doeg na isang Edomita ay nagpunta at magsumbong kay Saul na, “Si David ay nagpunta sa bahay ni Ahimelec”.

1. O taong malakas, bakit ka nagyabangsa gawa mong mali?Pag-ibig ng Diyos ang mamamalagi.

2. Balak mo'y wasakinang iba, ng iyong matalim na dilang pagsisinungaling.

3. Higit na matindiang iyong pag-ibig sa gawang masama,higit na nais mo'ykasinungalingan kaysa gawang tama. (Selah)

4. Taong sinungalingang iba'y gusto mong saktan sa salita.

5. Kaya't wawasaki'taal'sin ka ng Diyos sa loob ng tolda,sa mundo ng buháy aalisin ka niya. (Selah)

6. Ito'y makikitang mga matuwid, matatakot sila,at ang sasabihing pawang nagtatawa:

7. “Masdan mo ang taongsa Diyos di sumampalataya,sa taglay niyang yaman nananganat nagpakalakas sa kanyang kasamaan.”

8. Kahoy na olibosa tabi ng templo, ang aking katulad;nagtiwala akosa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas.

9. Di ako titigilng pasasalamat sa iyong ginawa,ang kabutihan mo'yipahahayag ko, kasama ng madla.