Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 123 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang aking pangmasid doon nakatuon,sa luklukang trono mo, O Panginoon.

2. Tulad ko'y aliping ang inaasahanay ang amo niya para sa patnubay,kaya tuluy-tuloy ang aming tiwala,hanggang ikaw, Yahweh, sa ami'y maawa.

3. Mahabag ka, Yahweh, kami'y kaawaan,labis na paghamak aming naranasan.

4. Kami'y hinahamak ng mga mayaman,laging kinukutya kahit noon pa man ng mapang-aliping taong mayayabang.Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni David.