Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 114 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Awit ng Paggunita sa Exodo

1. Ang bayang Israelsa bansang Egipto'y kanyanginilabas,nang ang lahing itosa bansang dayuhan lahat ay lumikas.

2. Magmula na noonang lupaing Juda'y naging dakong banal,at bansang Israelginawa ng Diyos na sariling bayan.

3. Ang Dagat ng Tambo,nang ito'y makita, nagbigay ng daan,magkabilang panigng Ilog ng Jordan ay tumigil naman.

4. Maging mga bundok,katulad ng tupa, ay pawang nanginig,pati mga burol,nanginig na parang tupang maliliit.

5. Ano ang nangyari,at ikaw, O dagat, nagbigay ng daan?Ikaw Ilog Jordan,bakit ang tubig mo ay tumigil naman?

6. Kayong mga bundok,bakit parang kambing na nagsisilundag?Kayong mga burol,maliit na tupa'y inyo namang katulad?

7. Ikaw, O daigdig,sa harap ni Yahweh, ngayon ay manginig,dapat kang matakotsapagkat darating ang Diyos ni Jacob,

8. sa malaking batonagpabukal siya ng saganang tubig,at magmula roonang tubig na ito ay nagiging batis.