Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 110 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Si Yahweh at ang Piniling Hari

Isang Awit na katha ni David.

1. Sinabi ni Yahweh,sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko,hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”

2. Magmula sa dakong Zion,ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop;“At lahat ng kaaway mo'ysakupin at pagharian,” gayon ang kanyang utos.

3. Sasamahan ka ng madla,kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway;magmula sa mga bundok,lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan.

4. Si Yahweh ay may pangakoat ang kanyang sinabi, hinding-hindi magbabago:“Ikaw ay pari magpakailanman,ayon sa pagkapari ni Melquisedec.”

5. Si Yahweh ay naroroongnakaupo sa kanan mo, at kapag siya ay nagalit,ang lahat ng mga hari ay tiyak na malulupig.

6. Siya'y hukom na hahatolsa lahat ng mga bansa; sa labanang walang puknat,marami ang malalagas!Sapagkat ang mga hari'y lulupigin niyang lahat.

7. Sa batis sa lansangan,itong hari ay iinom, at sisigla ang katawan;sa lakas na tataglayin, matatamo ang tagumpay.