13. Sinabi pa ni Yahweh, “Inyong igagalang ang takdang Araw ng Pamamahinga,huwag kayong gagawa para sa pansariling kapakanan sa araw na banal.Sa araw na ito'y mamamahinga kayo at huwag maglalakbay,o gagawa o mag-uusap ng tungkol sa mga bagay na walang kabuluhan.
14. At kung magkagayon, madarama ninyo ang kagalakan ng paglilingkod sa akin.Bibigyan ko kayo ng karangalan sa harap ng buong daigdig;at tatamasahin ninyo ang kaligayahan habang naninirahan sa lupaing ibinigay ko sa ninuno ninyong si Jacob.Mangyayari ito sapagkat akong si Yahweh ang nagsabi nito.”