3. at si Basemat na anak naman ni Ismael at kapatid ni Nebayot.
4. Ang anak ni Esau kay Ada ay si Elifaz; kay Basemat ay si Reuel;
5. at kay Aholibama ay sina Jeus, Jalam at Korah. Silang lahat ay ipinanganak sa Canaan.
6. Nangibang-bayan si Esau kasama ang kanyang mga asawa, mga anak, mga tauhan, pati ang mga hayop at ang lahat ng ari-arian ay kanyang dinala.
7. Iniwan niya si Jacob sa Canaan, sapagkat ang lupaing ito'y hindi na sapat sa kanilang mga kawan.
8. Sa Seir nanirahan si Esau.